top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

4 timbog sa baril at shabu

Maeng Santos
Apr 4, 2019
1 min read

TIKLO ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang sangkot sa iligal na pagbebenta ng baril na target ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation of firearm ang arestado sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) Head P/Maj. Angelo Nicolas ang mga suspek na sina Enrique Abuan, 51, Narciso dela Cruz, 46, Anthony Ronguillo, 41, at Heyde Santiago, 44, pawang ng Bgy. Tangos.

Sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang ikasa ng pinagsamang mga operatiba ng NPD-DSOU at Navotas City Police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Rolando Balasabas ang buy-bust operation of firearm sa pangunguna ni PLt. Melito Pabon kontra kay Abuan sa No. 258, Bgy. Tangos matapos ang natanggap na impormasyon hing­gil sa iligal na pag­bebenta ng suspek ng baril.

Matapos iabot ni Abuan ang cal. 38 revolver sa undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money, agad lumusob ang back-up na mga operatiba at dinamba ang suspek.

Nadakip din sa operasyon sina Dela Cruz, Ronguillo at Santiago matapos maaktuhan ng mga operatiba sa loob ng bahay na bumabatak ng shabu.

Bukod sa cal. 38 revolver, narekober sa mga suspek ang anim na sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, ilang drug paraphernalias at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page