top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 bagets timbog sa marijuana

Pabs Hernandez III
Apr 4, 2019
1 min read

PANGASINAN—Dalawang binatilyo ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng marijuana, kamakalawa sa bayan ng Pozorrubio sa lalawigang ito.

Dahil kapwa menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang suspek.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachet ng marijuana sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page