top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘GREGZILLA’ PAKABOG SA PHILIPPINE CUP

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2019
2 min read

SA katuwaan ng libu-libong fans, naging mainit ang laro ng Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup. Sa larong ipinakikita nina LA ‘’Iron Man’’ Tenorio at Japeth Aguilar tila wala nang bukas sa kanila, malaking bagay ang ipinamamalas nilang tikas, nakasakay ang Ginebra sa four-game winning streak upang makatiyak sa playoff berth.

Sa mga obserbasyon, ang pag-angat ng Kings (7-3 win-loss mark) ay bunga na rin ng pag-ibayo sa performance ng isang tahimik pero epektibong slotman na si Greg Slaughter. Matapos ang 10 laro, isang malusog at masiglang Slaughter ang may average na 15.6 puntos. 9.30 rebounds na second best para sa Ginebra. Hindi man kilala sa kanyang magarang laro, lumikha si “GregZilla” ng mas maangas na record kontra karibal na si Aguilar, ang best friend ni Slaughter na pumoste ng team-leading 17.4 points at second best 7.80 rebounds average.

‘’I really don’t like to get flashy. I want to play basketball to the best of my abilities. I do it as simple and effective as possible,’’ ayon sa 30-anyos na 7-footer na mayroon ding matingkad na collegiate career noon sa University of Visayas sa Cebu Schools Athletics Foundation at sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Sinabi ni Slaughter na hindi lahat ng kredito ay sa kanya, aniya ang basketball ay five-man game. ‘’You have to involve five people,’’ aniya na nagwagi ng tatlong titulo para sa UV sa Cesafi at dalawa sa ilalim ni Norman Black sa Ateneo. Totoo sa inaasahan, hindi binigo ni Slaughter ang fans nang maging overall first round draft pick siya sa Ginebra noong 2013. Matapos hawakan ng iba’t ibang coaches na may iba’t ibang pilosopiya, nahasa nang husto si Slaughter lalo na kay coach Tim Cone. May tatlo na siyang championship rings sa PBA bagamat nagkaroon siya ng knee injury ng nakaraang dalawang taon.

Salamat sa mapagsuporta niyang fiancée na si DLSU Communications graduate Schinina Juban. ‘’It was hard,’’ ayon kay Schinina. Isinalarawan niya si Greg bilang masayahin, napakabait, humble at family-oriented. ‘’Greg’s also very good to my family.’’ Isinalarawan naman ni Phoenix Pulse at first-time PBA All Star coach Louie Alas si Slaughter na isang smart player. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page