'Wag daw magbulag-bulagan… SIGAW NG NETIZEN: LIZA, MATAUHAN NA SA PANLOLOKO NI ENRIQUE
- BULGAR

- Apr 3, 2019
- 2 min read

MUKHANG napikon na rin si Liza Soberano sa mga bashers kaya nagtaray na sa isang nagke-claim na fan niya nang magkomento ito nang hindi maganda sa kanya.
Pagsabihan ba naman kasi si Liza na tama na ang bakasyon at mag-focus na sa Darna.
“@lizasoberano Vacation is over na. Hope you focus now on Darna. You badly need to go back to the gym and re-train for stunts, martial arts etc. Sana makita ko ulit ang drive mo sa career mo. Nawawala ka sa focus,” ang buong komento ng fan.
Sagot ni Liza na halatang imbiyerna, “Who are you to tell me when vacation is over? My managers allowed me and so did my bosses. I’ve been working hard for my family since I was 12. I think I deserve the time I get off.”
Ang mas nakakaloka, sumagot muli ang fan na para siyang nanay o manager ni Liza. Sey na naman niya, “Ang sa akin lang, Darna will start shooting this summer, and I saw your Bali pics. Sino hinahantay mo mag-criticize sa ‘yo, bashers mo fr other fandom who will call you below the belt things?”
May panakot pa ang fan na “Sana ‘di ka magsisi sa huli.” At may pahabol pa na, “Pakibasa na rin ang mga comments ko sa IG ni Enrique. Baka sakaling mabuksan ang mata at isip mo sa mga kalokohang pinaggagawa ni Enrique sa ‘yo.”
Muling sumagot si Liza at aniya, “Maybe you should stan someone else if I don’t meet your beauty standards.”
Naaliw lang kami sa basher na feeling entitled sa buhay ni Liza. Kaya naman tama lang na sagutin siya ng aktres at ilagay sa dapat kalagyan.





Comments