Pusher tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
Apr 3, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Pascual, Talavera sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Mhelador Dionisio, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Dionisio, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments