top of page
Pokwang.jpg

Proyekto at programang handog ng PCUP sa masa, aprub!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2019
2 min read

KINIKILALA at pinahahalagahan ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP ang boses ng masa pagdating sa pagbubuo ng programa at polisiya na makaaapekto sa mga maralitang Pilipino. Binibigyang-pagkakataon ng PCUP ang mga kababayan natin na makilahok sa ganitong klase ng diskurso at masiguro ang partisipasyon ng mga urban poor organization (UPO) sa gawain ng gobyerno.

Dahil dito, inaabisuhan ng PCUP ang lehitimong UPOs na magpa-accredit sa ahensiya upang mabigyan ng legal identity at boses ang samahan.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Gusto kong itanong kung maaari bang mag-apply ang kooperatiba sa PCUP? Maraming salamat!

Sagot

Tungkol sa inyong tanong, ang PCUP ay hindi nag-a-accredit ng kooperatiba o anumang samahan na mayroong involved na pagkakakitaan o profit. Tanging ang mga UPO lamang ang ina-accredit ng PCUP tulad ng neighborhood associations, urban poor federation, homeowners at iba pang tulad nito na non-profit organizations.

Ang accreditation ay isang proseso na nagbibigay-pagkaka­kilanlan sa samahang maralita upang maka­sama sa pagbubuo ng mga patakarang direk­tang makaaapekto sa ating lugar at sa pangka­lahatan.

Magkakaroon tayo ng boses sa local at national inter-agency bodies kung saan maka­kasama tayo sa mga konsultasyon para makabuo ng polisya at makapag-implement ng programa kasama ang gobyerno. Sa ganitong proseso, magiging kaisa ng UPO ang pamahalaan sa pagsasagawa ng programa at proyekto na maka­tutulong sa tao.

Kung tayo ay miyembro ng UPO, maaari nating ilapit sa PCUP ang ating samahan upang matamasa natin ang prebilehiyo ng accredited UPO.

Kung tayo ay maa-accredit, magkakaroon tayo ng prebilehiyo na mai-refer ng PCUP upang mabigyan tayo ng basic services tulad ng elektrisidad, pabahay, pangkabuhayan, patubig at iba pang serbisyo ng pamahalaan. Matutulungan din tayo ng PCUP sa tulong-teknikal tulad ng pag-aasikaso ng census, project proposals at iba pang pagproseso ng dokumento.

Una rin tayo sa mga makatatamasa ng priority programs ng PCUP tulad ng urban poor privilege card, ang discount card para sa mga UPO; Adopt-a-Community project at PCUP Caravan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page