top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Paraan para hindi lumala ang pagtatae ng bata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 3, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Nagtatae ang aking dalawang taong gulang na anak, halos 4-6 na beses sa isang araw. Malambot ito o mamasa-masa. Normal lamang ba ito o kailangan na ba namin siyang dalhin sa ospital? — Aida

Sagot Maraming kondisyon ang nagdudulot ng diarrhea at ang paggagamot ay depende kung anong kondisyon ito. Karaniwan, ang pagtatae ay titigil sa loob ng ilang araw. Hayaan lang ang katawan na ilabas nang ilabas ang anumang nagdudulot ng pagtatae at palitan lamang ang tubig na nawala sa pamamagitan ng pagpapainom sa pasyente ng maraming tubig at iba pang likido subalit, kung patuloy ang pagtatae at may ibang mga sintomas na nararanasan ang pasyente ay kailangan na itong ipa-check-up sa doktor.

Narito ang ilang paraan para hindi lumala ang pagtatae ng pasyente:

  • Uminom ng maraming tubig at iba pang mga likido tulad ng juice, gayundin ang pagpapakain ng lugaw at sopas. Ang pag-inom ng oral rehydration salts (ORS) ay napakahalaga rin. Ang dahilan kaya nilalagyan ng suwero ang mga bata sa ospital ay upang maiwasan ang ‘dehydration’ o kakulangan ng tubig at ‘electrolytes’.

  • Iwasan ang pag-inom ng mga over-the-counter na gamot sa pagtatae tulad ng loperamide. Isa sa mga dahilan kaya nagtatae ang katawan ay upang ilabas ang kung anumang bagay na nagdudulot ng pagtatae, halimbawa, kung may nakaing masama o panis. Ang mga gamot na ito ay maaaring makapigil sa pagpapalabas na ito.

  • Iwasan ang mga pagkaing maraming taba at gatas, gayundin ang alak at kape sapagkat ang mga ito ay maaaring magpalala ng pagtatae.

  • Gamutin ang sanhi ng pagtatae — kung ang pagtatae ay hindi pa nawawala makalipas ang ilang araw at kung ang dumi ay may dugo o kung may ibang sintomas tulad ng lagnat at pagsusuka makabubuti kung pupunta na agad sa doktor upang masuri nito ang anumang dahilan ng pagtatae ng pasyente. Kung ang pasyente ay hindi makainom ng tubig upang mapalitan ang nawawalang tubig sa pagtatae, posibleng i-confine ito sa ospital upang masuweruhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page