Napadaan sa ginagawang court | LALAKI, NABAGSAKAN NG MGA BAKAL SA ULO, DEDO
- Mylene Alfonso
- Apr 3, 2019
- 1 min read

TODAS ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos mabagsakan sa ulo ng bungkos ng bakal na nalaglag sa bubong ng ginagawang covered court, kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 40-45, naka-puting t-shirt, asul na pantalon at may katabaan.
Batay sa ulat ni PSgt. Roderick Magpale, alas-10:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa ginagawang covered court sa Felipe Calderon High School sa Hermosa St., Tondo.
Inilalagay umano ang mga bakal sa bubungan ng covered court nang bumigay ito at tamaan sa ulo ang naglalakad na biktima.
Nagtulung-tulong naman ang ilang construction workers na dalhin ang biktima sa ospital ng Tondo, pero hindi na ito umabot ng buhay. Dinala sa Archangel Funeral Home ang biktima para sa awtopsiya at safekeeping.





Comments