Listahan ng narco-prosecutor, isumite —SC

MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Korte Suprema sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa listahan ng mga tauhan at opisyal ng Hudikatura na sangkot umano sa transaksiyon ng iligal na droga.
Inatasan ng Supreme Court en banc si Associate Justice Diosdado Peralta na makipag-ugnayan at makipag-usap sa PDEA para sa listahan ng mga binansagang narco-prosecutor.
Ito ay upang magbigyang-daan na rin sa pormal na fact-finding at administrative investigation ng Korte Suprema sa mga alegasyong sabit sa illegal drug trade ang ilang mga piskal at hukom.
Ayon sa Korte Suprema, hindi nito kukunsintihin ang anumang iligal o tiwaling aktibidad sa hanay ng Hudikatura.





Comments