top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Escort ng mga guro para sa halalan | 2 PULIS IN-AMBUSH

  • Jeff Tumbado
  • Apr 3, 2019
  • 1 min read

DALAWANG pulis ang pinagbabaril ng ilang armadong lalaki na hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang escort ang mga guro sa Patikul, Sulu, kahapon.

Nasa kritikal na kondisyon sina Police Master Sergeant Al-nidzfar Eraji at Patrolman Jordan Changlapon.

Ayon kay PNP Spokesperson Lt. Col. Bernard Banac, posibleng may kinalaman sa eleksiyon ang ginawang pananambang ng ASG sa dalawang pulis na naganap sa Bgy. Kan Ague, Patikul pasado alas-9:00 ng umaga.

Nagsisilbi umanong security escort ang mga biktima ng mga guro ng DepEd na patungo sa Bgy. Taung.

Paliwanag ni Banac, ayaw ng mga terorista na nasa lugar ang mga pulis habang papalapit ang eleksiyon. Sinasabi sa ulat na nasa 10 hanggang 15 armadong lalaking miyembro ng ASG ang nasa likod ng pananambang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page