Engineer dedbol sa motor

ISANG 25-anyos na engineer ang nasawi matapos mapuruhan nang tumilapon ito matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo kahapon sa Imus, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Marc Rich Mahusay, 25, engineer, ng AFP Housing Bulihan, Silang, Cavite.
Base sa inisyal na ulat, alas-12:00 ng hatinggabi nang mangyari ang insidente sa Daang Hari Road, Anabu 1-D.
Nawalan umano ng kontrol si Mahusay sa bilis ng pagpapatakbo ng motor kaya bumangga sa center island ng Aguinaldo Highway at lumagapak sa sementadong kalsada dahilan upang hindi na ito umabot nang buhay sa ospital.





Comments