Sangkot sa pag-ambush at pagdukot 45 CPP-NPA, SUMUKO

NASA 45 kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang kusang-loob na sumuko sa Police Regional Office 4A (PRO-4).
Kinabibilangan sila ng 19 babae at 26 lalaki na miyembro ng iba’t ibang grupo na nasa ilalim ng CPP-NPA, kabilang ang Milisyang Bayan (MB), Kontak, Baseng Masa at Organisadong Masa sa ilalim ng Komiting Larangan Girilya (KLG) Cesar, Sub- Region Military Area (SRMA – 4A).
Ang nasabing pagsuko ay base na rin sa pakikipagtulungan ng kanilang “Punong Tribo” na nakasasakop sa kanilang lugar.
Kasabay ng pagsuko ang kanilang malalakas na iba’t ibang uri ng armas.
Isa sa mga sumuko si Ka Cyrus, na aminado sa ginawang partisipasyon sa pag-atake sa isang himpilan ng pulisya sa Panukulan, Quezon Province.
Kabilang din siya sa pag-ambush sa SAF troopers sa Antipolo City kung saan apat ang napatay nila habang lima pa ang kanilang nabihag kabilang ang dalawang pulis na sugatan.
Si Ka Cyrus ay dating NPA Platoon leader at aminado na nagkaroon ng relasyon kay Ka Sophia mula sa U.P Diliman.
Pinapurihan naman ni Regional Director, P/Brig. Gen. Edward Carranza ang pagsusumikap ng tropa ng pamahalaan para magbalik-loob sa pamahalaan at ang panimula ng kanilang pagbabagong-buhay.





Comments