Onli in da Pilipins na imbes drug lord ang ipahuli, whistleblower ang pinag-iinitan, ngek!
- BULGAR

- Apr 2, 2019
- 2 min read
DAPAT DRUG LORD ANG IPAHULI, HINDI WHISTLEBLOWER—Matapos ibulgar ni Anti-Drug Enforcer ex-Police Col. Eduardo Acierto na drug lord ang economic adviser ni P-Duterte na si Michael Yang ay nanawagan si Sen. Richard Gordon sa PNP at PDEA na dakpin umano si Acierto.
Pambihira, imbes na si Michael Yang ang ipaaresto, eh, ang gustong ipahuli ni Sen. Gordon ay ang “whistleblower” na si Acierto, buwisit!
◘◘◘
KAPALARAN NI ACIERTO, MATUTULAD KAY TAGUBA? — Ang kapalaran ni whistleblower ex-Police Col. Acierto ay maaaring matulad sa naging kapalaran ng isa pang whistleblower na si Bureau of Customs broker Mark Taguba.
Nang ibulgar noon ni Taguba sa Senado na ang mga miyembro ng tinaguriang “Davao Group” ang kasabwat ng Chinese Drug Syndicate na nagpasok ng P6.4 billion worth ng shabu sa Bureau of Customs, imbes na ipag-utos ni Sen. Gordon sa PNP at PDEA na dakpin ang mga miyembro nito (Davao Group), eh, ang naging utos ng senador ay sampahan ito (Taguba) ng kaso, boom!
◘◘◘
KUNG TOTOONG MAGSASAKA ANG MGA NAPATAY, DAPAT MANAGOT ANG MGA BERDUGONG PULIS AT MILITAR—Labing-apat katao ang napatay ng pinagsanib na puwera ng PNP at AFP sa Negros Oriental at ayon sa mga awtoridad, miyembro umano ng NPA ang mga ito, pero ang sabi naman ng pamilya ng mga napatay, hindi raw sila kasapi ng NPA kundi mga magsasaka raw ang mga napatay.
Kung totoong magsasaka ang mga napatay, dapat managot sa kaso ang mga berdugong pulis at sundalo, period!
◘◘◘
MGA TULAK NG SHABU, KUBRADOR DIN NG ‘MASIAO’ NI WAKY’ SA CEBU — Mga tulak daw ng shabu ang mga kubrador sa raket na “masiao” ni “Waky” sa Cebu.
Kung ganu’n, “front” lang pala ni “Waky” ang pasugal niyang “masiao”, dahil ang totoo pala niyang raket ay iligal na droga, buwisit!





Comments