Nanay na may sakit kaya dehins knows kung kanino iiwan ang mga anak
- ROMA AMOR
- Apr 2, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Selya, 41 years old. Noong nakaraang linggo ay nalaman kong may taning na ang buhay ko dahil sa cancer. May tatlo akong anak, kaya ngayon ay hindi ko alam kung kanino ko sila ibibilin, gayung wala na rin ang aking asawa at wala kaming kamag-anak na malapit sa amin. Sana, mapayuhan ninyo ako. Salamat! – Selya
Selya,
Nakalulungkot naman ang ibinahagi mo sa amin, mamsh, pero ang maipapayo namin sa iyo ay humanap ka ng kaibigan o kaya ay charity na kumukupkop ng mga bata nang sa gayun ay hindi mo na masyadong isipin kung kanino mo sila iiwanan. Mahirap sa una dahil wala pa man din ay ginagawa mo na ang nararapat, pero panigurado na mas gagaan ang kalooban mo sa gagawin mong ito. Kaya mo ‘yan! God bless your family!





Comments