Mister, huli sa shabu | “PAMPAPOGI KO ‘YAN”
- V. Reyes
- Apr 2, 2019
- 1 min read

KALABOSO ang isang dating tindero ng isda sa Lungsod ng Quezon na umano’y tulak at gumagamit ng iligal na droga na nakapagpapapogi at nakapagpapasigla umano sa kanya.
Inaresto sa buy-bust operation sa Bgy. Pasong Tamo si Renato Mendoza makaraang mahuli sa aktong nagbebenta ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang P200 sa mga operatiba.
Nasamsam mula kay Mendoza ang apat na sachets ng hinihinalang shabu.
Sinasabing mga tindero ng isda at tricycle driver ang mga parukyano ni Mendoza.
Inamin umano ni Mendoza na gumagamit siya ng shabu para lumakas ang katawan.
Kagagamit lamang din umano niya bago nahuli ng mga awtoridad.
“Ginagamit ko po ‘yan pampasipag ho, pampapogi. Ginagamit ko ho talaga ‘yan para pagkana-lowbatt ho ako, medyo lumakas po ulit ‘yung katawan ko,” ani Mendoza. Inamin din ng suspek na nagbebenta siya ng droga para may maipakain sa kanyang pamilya.
Una na ring nakulong si Mendoza noong 2016 dahil din sa droga at napalaya lamang ito noong Setyembre ng nakaraang taon.





Comments