Mga armas, flag nakumpiska MAG-UTOL NA ISIS, ARESTADO
- Jeff Tumbado
- Apr 2, 2019
- 1 min read

NATIMBOG ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Police Regional Office 2 at Philippine Army ang magkapatid na umano’y miyembro ng International Terror Group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Kinilala ni Lt. Col. Marlon Santos, ang mga naaresto na sina Altero at Greg Carrieda.
Nahuli ang magkapatid sa isinagawang pagsalakay sa kanilang pinagtataguan sa Bgy. Dabak Grande, Bagao, Cagayan Province.
Nakumpiska mula sa kanilang posesyon ang isang kalibre .45, isang .9 mm, dalawang .38 at dalawang pampasabog.
Nakuha rin sa bahay ng dalawa ang itim na watawat ng ISIS na nakakabit pa sa dingding.
Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, nagpapakilala lamang ang naturang grupo at sinusubukang maghasik ng lagim sa kanayunan.
Tiniyak din nito na mayroon pa silang ibang mga indibidwal na binabantayan batay na rin sa mga nakalap na intelligence report.





Comments