Mga adik na celebs, pinag-iinitan… RESBAK KAY TITO SEN: MGA SENADOR, MAUNA SA DRUG TEST!
- BULGAR

- Apr 2, 2019
- 2 min read

NANG lumabas ang artikulong isinulat namin kahapon kaugnay ng naging pahayag ni Senate President Tito Sotto na suportado ng Senado ang panawagang magkaroon ng surprise drug test sa mga celebrities dahil naniniwala siyang pinagtatakpan ng mga networks ang mga talents nilang alam nilang drug user, isang aktor-TV host ang tumawag sa amin.
Gusto lang naman daw niyang mailabas ang kanyang punto at opinyon sa sinabi ni Tito Sen, pero ‘wag na raw namin siyang pangalanan para ‘di na lumaki pa ang issue.
Sabi ng aktor-TV host, “Ang mensahe ko lang kay Tito Sen, sana, bago nila tutukan at sabihing magkaroon ng surprise drug test sa mga celebrities, umpisahan nila sa mga sarili nila.
“Umpisahan natin sa pinakamataas na humahawak ng posisyon sa ating bansa, ang presidente, ang bise-presidente, silang lahat na mga senador, kongresista, mayor, governor at hanggang sa pinakamababang public servant, saka nila isunod ang mga celebrities.
“Magpa-drug test sila na kaharap mismo ang PDEA,” hamon pa ng aktor-TV host.
May point naman ang aktor-TV host. Ang nangyayari raw kasi, nagagamit ng mga pulitiko sa publicity o pagpapapogi ang pakikisawsaw sa paglaban sa droga na involved ang mga celebrities, pero ang kanilang hanay mismo ay hindi naman nila malinis.
Which is true nga naman, devah? Agree kami sa mungkahi ng aktor-TV host, dahil kung ang mga bata ngang nasa elementary ay gustong isailalim sa random drug testing, bakit exempted ang mga mismong gumagawa at nagpapatupad ng batas?
Dagdag din ng aktor-TV host, hindi lang ang drugs ang malaking problema rito sa atin kundi maging ang pangungurakot ng mga nakaupo sa gobyerno at mga pulitiko.
Bakit daw hindi gumawa ng batas ang ating mga lawmakers na bitay ang maging parusa sa mga mapapatunayan sa kasong plunder o pandarambong?
Kung ‘yun nga naman ang parusa, may maglalakas-loob pa bang magnakaw sa kaban ng bayan?
Or shall we say… may maglalakas pa ba ng loob na kumandidato at mag-ambisyong magsilbi sa bayan? Hahaha!





Comments