Kagawad tiklo sa boga
PANGASINAN—Isang kagawad ng barangay ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Dalogue, Sta. Barbara sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Kagawad Rene Poserio, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang bahay ni Poserio at dito nakumpiska ang baril at mga bala.
Nakapiit na si Poserio na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments