Hindi nagkaintindihan MISIS SINAKSAK, MISTER NAGSAKSAK DEDBOL

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang live-in partner nito matapos magtalo nitong Sabado sa kanilang bahay sa Bgy. Tumana, Marikina City.
Lasing umano ang suspek na si Rogelio Bulalaque, 40, nang umuwi at nagkaron ng pagtatalo sa pagitan niya at ng kanyang live-in partner na si Christine Servidad, 39.
Nagtungo umano sa kusina ang suspek upang kumuha ng kutsilyo saka sinaksak ng dalawang beses ang biktima bago nagsaksak sa sarili.
Naisugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang dalawa subalit, idineklarang patay ang suspek. Inilipat naman sa Quirino Memorial Medical Center ang biktima.





Comments