top of page
Pokwang.jpg

GENERAL TRIAS AT MANILA NASA TOP SPOT NG CBA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2019
1 min read

NAKAKABIG ng panalo ang General Trias at Manila sa kani-kanilang mga kasagupa upang manatili sa 1-2 ang kanikanilang mga posisyon sa South Division ng 2019 Community Basketball Association Pilipinas Founders Cup na idinaos sa Olivarez College Gym sa Parañaque noong Sabado.

Nakaasa ang General Trias sa mainit na laro ni Ian Melencio upang pudpurin ang Marikina, 109-99, at manatili ang perpektong record na may limang diretsong panalo. Nakabasket si Melencio ng 22 puntos para sa Braves na nanaig sa Sapateros, 34-17 sa opening quarter tungo sa nakakukumbinsing panalo.

Samantala, nakaasa ang Manila sa 1-2 punch ni Wowie Escosio at EJ Canelas upang pabagsakin ang Parañaque, 103-100 para sa 4-1 win-loss record. Nanguna si Escosio sa 29 points at may 10 rebounds, 2 blocks, 1 assist at one steal.

Sumuporta rin si Canelas sa 23 points at 3 rebounds para sa Sausage Kings, na kailangan ng game-changing 8-0 at ipatas sa 94-all.

Noong nakaraang Linggo, tinalo ng Malabon ang Quezon City Capitals, 9791 habang nanaig ang Valenzuela sa Caloocan, 111-105 sa overtime sa dalawang exciting matches sa North Division.

Nagtala si Jessie James Collado ng double-double 20 points at 14 rebounds para sa Malabon, na nakadalawang panalo sa 5 laro ng walong team ng North Division. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page