ASPAC SUPER QUEST NG 3X3 ABANGAN ANG 12 KOPONAN


LABINDALAWA sa mga pinakamahuhusay na 3x3 basketball clubs ng rehiyon ang maghaharap ngayong weekend para sa unang International Basketball Federation (FIBA)-sanctioned Super Quest.
Maglalaban-laban sa Abril 6 at 7 sa SM Megamall Fashion Hall, ang mga nagkumpirmang koponan mula sa Mongolia (world no. 2), China (no. 3), Japan (no. 4), Indonesia (no. 15), Australia (no. 25), New Zealand (no. 29), South Korea (no. 42), Chinese Taipei (no. 60), Vietnam (no. 65), at Hong Kong (no. 79) para sa Chooks-to-Go 3x3 Asia Pacific Super Quest.
Ang Chooks Pilipinas 3x3, ang unang 3x3 basketball league sa bansa ay naatasan ng FIBA noong Pebrero 19 para maging host ng level-eight event na inaasahang makakapagpataas ng world 3x3 rankings ng bansa.
“After last year’s success of the FIBA 3×3 World Cup organized by SBP, the initiative of Chooks-to-go to set up a tournament with international teams from Asia-Pacific qualifying to the FIBA 3×3 World Tour is excellent news.
It underpins the effort of Chooks in organizing dozens of local 3×3 events and will accelerate the development of 3×3 in the Philippines,” ayon kay FIBA 3×3 Managing Director Alex Sanchez na manonood ng dalawang araw na event.
Magiging kinatawan ng Pilipinas ang President’s Cup champions Pasig Grindhouse Kings at runner-up 1Bataan Risers.
Kabilang sa makakalaban nila ang Ulaanbaatar ng Mongolia, Enerskin ng Korea 3x3 Basketball League, Saigon Aces ng Vietnam, Absolute 3X3 Basketball ng Taipei, Jakarta West Bandits ng Indonesia, Tokyo Dime.exe ng Japan, TSV Reading Cinema ng Australia, Aotearoa ng New Zealand, Anytours M1 ng Hong Kong, at SSLC ng China.
Ang magkakampeon sa Asia Pacific Super Quest ay makakasali sa FIBA 3X3 World Tour Masters Doha na idaraos sa Abril 18 -19 at sa Challenger Series sa Penang sa Mayo 12 - 13 bukod sa makapag-uuwi sila ng premyong $20,000.
Ang runner-up ay magku-qualify din sa Doha tournament at magkakamit ng premyong $15,000. Ang third at fourth place finishers ay makakasama sa Challenger Series sa Kunshan City sa China sa Mayo 18-19 at makapag-uuwi ng premyong $7,000 at $4,000 ayon sa pagkakasunod habang ang 5th hanggang 8th placed teams ay bibigyan ng tig-$1,000 bilang consolation prize. (VA)





Comments