top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

3-yrs. old ni-rape ng helper

  • Maeng Santos
  • Apr 2, 2019
  • 1 min read

KULONG ang isang helper matapos mabisto ang ginawa nitong panghahalay umano sa 3-taong gulang sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Mario dela Cruz, Jr., 31.

Alas-9:00 ng gabi, nagpa­patrulya sa kahabaan ng Mindanao Avenue ang mga tauhan ng Valenzuela PCP-8 at pagsapit nila sa kanto ng Sto. Rosario St., Bgy. Ugong ay pinara sila ng suspek upang humingi ng tulong na madala sa barangay hall ang biktima na aniya’y nakita niyang pagala-gala.

Isinama ng mga pulis si Dela Cruz na nanganga­moy alak sa barangay hall ng Bgy. Ugong kung saan napansin ng mga tauhan ng Violence Against Women and Chil­dren ang bahid ng dugo sa suot na panloob ng paslit.

Sinabi ng bata na pinag­samantalahan siya ng sus­pek.

Agad inaresto si Dela Cruz habang natunton na­man ang magulang ng bik­tima matapos mag-report ang ama nito sa Bgy. Ma­pulang Lupa hinggil sa pag­kawala ng kanyang anak.

Ayon sa ama ng bata, maaga niyang pinatulog ang anak subalit, nagulat siya nang hindi na nila mahagilap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page