23 local officials, arestado sa pag-iingat ng mga baril

NASA 23 lokal na opisyal ang arestado ng PNP-CIDG sa loob lamang ng isang linggong operasyon.
Sakop nito ang petsang March 22 hanggang 28.
Kabilang sa mga naaresto sina Mayor Romeo Vargas ng Tubajon, Dinagat Island at Vice-Mayor Antonio Adlao ng Tagbina, Surigao del Sur.
Arestado rin ang isang miyembro ng sangguniang barangay, 9 tserman, 10 barangay councilors at isang general service officer.
Samantala, aabot naman sa 145 sibilyan ang naaresto ng CIDG sa kaparehong petsa. Mahaharap ang mga ito sa paglabag sa Firearms Law.





Comments