“WISH KO MAMAYANI ANG PINOY CUE ARTISTS SA SEAG-”DJANGO

ISA lang ang pangarap ni coach Francisco “Django” Bustamante ang muling mapanatili ang dominante ng mga Pinoy sa billiards sa darating na Southeast Asian Games at umaasa ang dating world champion na mapaninindigan nila ang kanilang karangalan bilang isa sa pinakamagaling sa billiards sa rehiyon.
“Ang wish ko sana mamayani muli at bigyang karangalan ang bansa,” sabi ni Bustamante sa panayam sa kanya matapos mag-ensayo ang mga Pinoy. Dinomina ng mga Pinoy ang billiards sa dalawang SEA Games sa Singapore at Malaysia sa kabayanihan nina Carlo Biado, Warren Kiamco, Dennis Orcollo at Rubilen Amit at Chezka Centeno.
Muling pangungunahan ang medal ng ‘Pinas nina Biado, Orcullo, Kiamco, Amit at Centeno. Dahil sa ‘Pinas gagawin ang torneo pipilitin ng mga Pinoy sa pangunguna nina Biado at Orcullo na muling kunin ang karangalan at bigyang kasayahan ang kanilang mga kababayan na manonood sa kanila sa unang pagkakataon matapos ang 13 na huling nilaro ang SEAG noong 2005.
Puspusan ang paghahanda ng mga Pinoy sa masusing gabay ni dating world champion Bustamante para masiguro ang panalo lalo na sa ‘Pinas gagawin ang SEA Games. Ang pinakamagandang showing ng billiards ay noong 1987 SEA Games sa Indonesia kung saan naka-apat na ginto, tatlo kay Efren “Bata” Reyes, tatlong pilak at tatlong tanso.





Comments