PUSPUSAN NA ANG PAGHAHANDA NG BASEBALL TEAM PARA SA SEAG
- Clyde Mariano
- Apr 1, 2019
- 1 min read

TULAD sa ibang mga atleta na abala sa kanilang paghahanda, hindi rin nagpapabaya ang mga baseball players na abala sa kanilang paghahanda para masiguro ang tagumpay at mapanatili ang kanilang titulo bilang “hari ng baseball” sa Southeast Asian Games na kanilang dinomina mula nang isinama ang nasabing sport noong 2005.
Ang mga kasapi sa team ay kasalukuyang naglalaro sa UAAP baseball na ginagawa sa Rizal Memorial Baseball field.
“Philippines is the defending champion. We have to field the best players in town to ensure victory and preserve our lofty billing as ruler of baseball in Southeast Asia and satisfy our countrymen who will be watching our players for the first time,” sabi ni PABA president Joaquin “Chito” Loyzaga.
Pinasimulan ni Loyzaga ang malaking pagbabago sa baseball matapos mahalal na pangulo ng Philippine Amateur Baseball Association. Binubuo ng mga team galing sa UAAP at ibang liga ang masusing sinala at pinili ng coaching staff na hinirang ni Loyzaga sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission.
Kamakailan lumahok ang mga Pinoy sa baseball competition sa Chinese Taipei tampok ang mga manlalaro mula sa United States, Japan, South Korea at host Chinese Taipei at iba pang imbitadong teams galing sa ibang mga bansa.
Ang nasabing torneo ay may basbas ng International Baseball Association na nakabase sa US. Lumahok din ang Sri Lanka, Hong Kong, Pakistan, Thailand at Indonesia.
Ang Pinas ang reigning SEA Games at East Asia Cup II champion at No. 4 sa Asia sa likod ng Japan, South Korea at Chinese Taipei at ranked No. 18th sa world. Naging pang-apat ang ‘Pinas dahil hindi sumali ang China sa Asian Baseball Championship na ginawa sa Chinese Taipei.





Comments