top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pulis binentahan | 2 TIKLO SA MARIJUANA

Maeng Santos
Apr 1, 2019
1 min read

ARESTADO ang dalawa katao kabilang ang hinihinalang tulak ng iligal na droga na target sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Enerlie Zaraga alyas “Ener”, 23, pusher, data analyst, at Ronald Gallardo, 23, user, kapwa ng Bgy. Longos.

Ayon kay PSSgt Ramos Timmago, alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pangunguna ni PLt. Rolando Domingo ang buy-bust operation kontra kay Zaraga sa Maya-Maya St., Bgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon ng pulisya hinggil sa pagbebenta umano nito ng iligal na droga sa lungsod.

Nagawang makipagtransaksiyon kay Zaraga ng isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalagang P500 ng isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer.

Nang magbigay ng signal ang pulis na nagkaabutan na, agad lumusob ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang suspek kasama si Gallardo na sinasabing umiiskor ng droga kay Zaraga.

Narekober sa mga suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, gray sling bag at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page