top of page
Pokwang.jpg

Porke Amerikano | Maria Ressa, walang karapatang bastusin ang batas ng Pilipinas!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2019
3 min read

KUNG makapagsalita si Maria Ressa, akala mo kung sino.

Porke ba American citizen ka, Maria, puwede mo nang bastusin ang mga batas ng Republika ng Pilipinas?

Hindi mo puwedeng gawin ‘yan. Kapag lumabag ka sa batas ay siguradong aarestuhin ka. Kahit magsisigaw ka pa ng press freedom, “rule of law” pa rin ang paiiralin ng korte sa ating bansa.

Panigurado, nagtatanong ang maraming mambabasa natin diyan, “sino ba ang Maria Ressa na ‘yan, sikat ba ‘yan at palaging nasa diyaryo?”

Hindi sikat si Ressa sa Pilipinas, pero kilala siya sa ibang bansa matapos ang kaliwa’t kanan niyang pagpapa-interview para siraan ang ating gobyerno. Ginagamit niya ang foreign media para dumihan ang magandang pangalan ng ating bansa.

Ginagawa ito ni Ressa para makalusot siya sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law at iba pang mga batas. Mahigit 10 kaso na ang naisampa kay Ressa, dating ehekutibo sa ABS-CBN na sinipa at pinaalis ng mga Lopez.

Dahil wala nang gustong kumuha sa kanya na ibang media, nagtayo na lang si Ressa ng website, ang Rappler. Balita natin ang unang financier niya ay ang mga Español na coño na taga-Makati na malapit sa pamilya Cojuangco-Aquino.

Nalugi ang kumpanya niyang Rappler. Nang paubos na ang pera ng mga coño ay naisipan naman ni Ressa na humingi ng pera sa mga Amerikano, ang mga kumpanyang Omidyar Network at North Base Media.

Doon nayari si Ressa, dahil Amerikano siya (U.S. passport ang ginagamit niyang palagi sa kanyang mga biyahe) kaya hindi niya binasa ang Konstitusyon ng Pilipinas na malinaw na sina­sabing bawal ang mga foreigner sa media.

Pilipino lang (tunay na Pinoy, hindi peke tulad niya) ang may karapatan na magmay-ari at magpatakbo ng media sa bansa.

Ano ang rason kung bakit mahalaga ang probisyong ito sa ating Konstitusyon? Bakit espesyal ang pagkaistrikto ng batas sa media?

Ang dahilan ay ang napakalakas na ka­pangyarihan ng media para maimpluwen­siyahan ang utak at damdamin ng mga mam­babasa nito.

Kung “foreigner” ang nagdidikta sa mga inilalabas na impormasyon sa diyaryo, TV, radyo, internet at iba pang media, unti-unting mawa­wala ang ating pagka-Pilipino at puro dayuhan na ideya na lang ang ating paniniwalaan.

Ganu’n ang nangyayari ngayon. Lahat ng malalaking diyaryo sa bansa ay salitang Ingles ang ginagamit, sipsip pa rin sila sa U.S. govern­ment.

Pero, talo sila ng BULGAR na purong Pili­pino ang ginamit, bagama’t, tabloid form ang BULGAR ay mas mataas pa ang sirkulasyon nito sa mga dilawang broadsheet.

Ang direksiyon ng bayan ay dapat ang mga lider nating Pilipino ang magdedesisyon. Hindi foreigner na nasa New York tulad ng Kanong si Loida Lewis na panay kampanya para pa­bagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaresto si Ressa noong isang linggo sa airport matapos bumalik sa isa na namang biyahe niya sa Estados Unidos.

Nami-miss yata palagi ni Ressa ang U.S., eh, kung doon na lang kaya siya tumira at huwag nang manggulo rito?

Ang arrest warrant laban sa pinuno ng Rappler ay inilabas ng Pasig Regional Trial Court Branch 265. Nilabag umano ni Ressa ang Section 2-A ng Commonwealth Act 108 o ang “Anti-Dummy Law.”

Ayon sa batas, ipinagbabawal sa mga “foreigner” ang pagpasok at pakikialam sa media company. Ayon sa ating Konstitusyon, dapat 100 porsiyento ang kontrol ng mga Pilipino sa media.

Matapos magbayad ng piyansang P90, 000, pinalaya rin si Ressa.

O, paano tayong naging diktadura? Kung totoong diktador si P-Duterte, hindi na natin makikita ang anino ni Ressa.

Pero, ‘yun at malaya pa rin siyang namba­batikos sa gobyerno. Malaya pa rin siyang nag­papa-interview sa mga dayuhang istasyon tulad ng CNN para lamang siraan ang Pilipinas at pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Kung tunay kang Pilipino, hindi mo gagawin ‘yan sa sarili mong bansa. Mga pekeng Pilipino lang ang gumagawa ng ganitong kabalastugan!

Hindi na tayo nagugulat na nagagawa ito ni Ressa. Tunay na wala siyang pakialam kung mag­kaletse-letse tayo, kung bumagsak ang ekonomiya dahil sa kanyang panggugulo at kung may magkudeta kasunod ng panggaga­tong niya ng kaguluhan.

Tatakbo lang ulit si Ressa sa U.S. kapag nagkaipitan na gamit ang kanyang paboritong “U.S. passport” tulad ng ibang dilawan, na­katingala pa rin siya sa U.S sa halip na sa sarili nating mga lider na mga tunay na Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page