Mga mangingisdang Pinoy, hina-harass na ng mga Intsik; HSGMA, dedma lang?! Hmmm...

BANTA NI P-DUTERTE SA BUHAY NG MGA OBISPO AT PARI, MAGBU-BOOMERANG SA MGA MANOK NIYA SA ELEKSIYON — Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cagayan de Oro City noong March 26, 2019, ito ang binitiwang salita ni P-Duterte, “sabi nila, ako nagbigay ng utos na patayin ang mga Bishop at pari. Oo, totoo ‘yan kasi sila nagsimula.”
Ang pag-amin na ‘yan ni P-Duterte ay tiyak magbu-boomerang sa mga kandidato niya sa PDP-Laban kasi sa rami ng mga Katolikong may respeto at pagmamahal sa mga Obispo at pari, malamang ibasura nila ang mga “manok” ng pangulo sa halalan, period!
◘◘◘
SINAKOP NA ANG WPS, HINA-HARASS PA ANG MGA MANGINGISDANG PINOY, PERO SI HSGMA, KAMPI PA RIN SA CHINA—Para kay House Speaker at ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, malaking oportunidad daw ang makipag-alyansa sa China at huwag din daw ituring na banta sa seguridad ang bansang ito.
Ganu’n? Pambihira, hindi ba nabalitaan ni HSGMA na sinakop na ng China ang West Philippine Sea (WPS) at hina-harass ang mga mangingisdang Pinoy sa karagatan ng Pilipinas para sabihin niyang oportunidad pang makipag-alyansa sa mapanakop na bansang ito? Pwe!
◘◘◘
BODEGERO, PINAG-IINITAN NG DOJ SA P6.4 BILYON SHABU SMUGGLING —Inabsuwelto na ng Valenzuela City RTC sa kasong may kaugnayan sa P6.4 billion shabu shipment ang bodegero o warehouseman na si Fidel Anoche-Dee, dahil bodegero lang at wala raw itong kinalaman sa shabu smuggling, pero ang masaklap, hindi pa rin pala siya lubusang lusot sa kaso kasi may hiwalay na kaso palang isinampa sa Manila RTC ang Department of Justice (DOJ) laban sa kanya na ang kaso ay may kaugnayan pa rin sa P6.4 billion shabu shipment sa Bureau of Customs.
Pambihira, imbes na ang mga miyembro ng “Davao Group” na may kinalaman sa P6.4 billion shabu shipment ang hulihin at sampahan ng kaso, eh, ang pinag-iinitan ng DOJ ay ang bodegero, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
MAYOR DIMACUHA AT COL. CELEDIO, “NGANGA” SA MGA MANRARAKET SA BATANGAS CITY—Bukod kay “Rico”, isang “Porong” na rin daw ang nag-o-operate ng salot na video karera sa Batangas City.
Kapag walang ginawang aksiyon sina Mayor Beverly Dimacuha at Col. Sancho Celedio laban sa mga manraraket na ito, siguradong madaragdagan pa ang mga iligalista sa kanilang nasasakupan, pwe!





Comments