Mga artistang guilty sa pagkakasangkot sa iligal na droga, huwag bigyan ng proyekto!
- Ryan B. Sison
- Apr 1, 2019
- 1 min read

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin pinapangalanan ang mga artista na sangkot sa iligal na droga.
Gayunman, para masiguradong hindi sila kukunsintihin sa paggamit nito, dapat hindi na sila bigyan ng proyekto!
Sa totoo lang, kahit gaano pa sila kasikat, hindi dapat sila pinapaboran ng TV network na kanilang kinabibilangan.
‘Yung tipong ipalalabas na wala silang ginagawang masama, luma na ang ganyang estilo!
Ang mas mainam na gawin ay ang tulungan silang magbago, hindi lang para sa kanilang imahe kundi para sa estado ng bansa, lalo na ngayong kahit sobrang higpit na ng kampanya laban sa iligal na droga ay tuluy-tuloy pa rin ang paglaganap nito.
Ngayon, kung hindi ilalantad ang kanilang mukha at pangalan, respeto at tulong para sa bayan, dapat ibigay!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments