top of page
Pokwang.jpg

MAYWEATHER NASA BORACAY REMATCH KAY PACMAN, POSIBLE?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2019
1 min read

Photo : racexasia

NAGBALIK-bansa kahapon ng madaling araw si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. kung saan alas-3:30 ng ma­daling araw nang dumating ito sakay ng kanyang private plane.

Sinalubong siya ng kan­yang kaibigang negosyante na si Lester Codog at pag­karaan ay agad itong nag­tungo sa isla ng Boracay na ikalawang beses na niyang napuntahan para magbakas­yon.

Babalik na lamang siya sa Maynila sa Abril 2 at lilipad naman ito pa-Las Vegas kinabukasan.

Samantala, kinumpirma ng ama ni Floyd na si May­weather Sr. na magbabalik boksing din ang kanyang anak. Hindi kasi matigil ang mga negosasyon para sa umano’y rematch ng Kano at ng Pinoy ring icon na si Senador Manny Pacquiao.

“Well, Floyd is going to get back in the gym and ter­rorize some things. It’s what’s going to happen. For real,” wika ni Floyd Sr.

“But I’m just saying that, and I’m not saying that because of what I believe. I’m saying that because it’s going to happen, for real.”

Subalit ayon sa ma­tandang Mayweather, wala pa siyang ideya kung sino ang puwedeng makalaban ng kanyang anak sa muling pagbabalik sa bakbakan. Balik din kasi nitong naka­raang linggo sa training at pakikipag-spar sa gym si Floyd Jr.

Huling sumabak sa boxing match si Mayweather noong Agosto 2017 at tinalo si UFC star Conor McGregor.

Nagpa-survey naman si Pacquiao sa social media upang alamin kung pabor pa ba ang nakararami na mag-rematch pa sila ni May­weather. Pumabor naman sa 73% ang boto na lumitaw sa twitter poll. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page