Kung ang BF na si Luis, love na love ng mga fans… JESSY, KAHIT ANONG GAWIN, ISINUSUKA PA RIN NG MADL


APEKTADO nga ba si Jessy Mendiola sa walang tigil na pamba-bash sa kanya?
Naaawa rin kami sa pobreng aktres dahil wala naman siyang masamang ginagawa. Hindi rin naman siya suplada.
Pero despite the fact na likeable ang kanyang dyowang si Luis Manzano sa mga netizens, Jessy seems to remain unpopular.
Nandiyan ‘yung kinukuwestiyon ang kanyang kaseksihan although she tries hard talaga na magmukhang slim.
May effort siya at depensa niya pa nga, kahit nagpapapayat siya, ‘yung hita niya, malaki pa rin because of her having a Lebanese blood.
Last movie niya ang The Girl in the Orange Dress na sinasabing pumalpak pa sa takilya kahit si Jericho Rosales pa ang ipinareha sa kanya.
On the other hand, kahit pa anong pronouncement ni Luis na mahal niya si Jessy, nakakatulong ba ito sa career ng dalaga?
Kaya ang usap-usapan, naghihintay na lang daw si Jessy sa proposal ng anak ni Ate Vi. Ano naman kaya kasi ang pumipigil kay Luis para ibitin ang nasabing proposal kay Jessy? He is not getting any younger anyway.
Mukhang nalilinya si Luis sa mga aktor na ang tatanda na pero ayaw pa ring magsipag-asawa for fear na maapektuhan ang kanilang career. Selfish kasi ang mga fans dito sa Pilipinas. Gusto nilang ma-solo ang kanilang mga idolo.
And so, here is Jessy at the receiving end of the line ng pamba-bash at panlalait dahil hindi pa nga nagpo-propose si Luis.





Comments