top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kalat na, aktres, sa Germany nanganak… COCO, 'DI NAG-DENY NA MAY BABY NA SILA NI JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2019
  • 1 min read

PATULOY na umiikot, pinagpipistahan at pinag-uusapan sa social media ang tsikang nanganak na raw sa Germany si Julia Montes at diumano ay si Coco Martin ang ama ng baby. May kumalat pa ngang picture na magkakasama sina Julia, Coco at ang baby.

Pero walang pag-amin o denial sa kampo ni Coco, kaya nananatiling haka-haka at espekulasyon lang ang lahat.

Marami naman ang nagsasabing hindi na dapat itago ni Coco kung totoo nga na may anak siya kay Julia. Sa status niya ngayon, hindi na makakaapekto kung mabunyag man na may asawa’t anak na siya.

Tanggap naman ng publiko ang lahat sa katauhan niya. Besides, hindi naman kabataang heartthrob ang image ni Coco Martin. Isa na siyang seryosong action star at level-up na ang kanyang career. Big star na siya ngayon at iniidolo ng mga bata dahil sa kanyang role bilang Cardo sa seryeng Ang Probinsyano.

Hindi naman makakabawas sa kanyang popularidad kung totoong may anak na sila ni Julia Montes. And for sure, hindi rin ito makakaapekto sa mga product endorsements niya. Mas hinahangaan ng lahat ang isang lalaking nagpapakatotoo sa kanyang sarili.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page