top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Iba't ibang schedule ng PCUP caravan ngayong abril, alamin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2019
2 min read

PARAMI na nang parami ang natutulungan ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP sa kanilang priority program na PCUP Caravan. Nabibigyan natin ng direktang serbisyo ang mga mahihirap tulad ng medical at dental mission, legal assistance, employment opportunities sa lokal at abroad at marami pang iba na tiyak na makatutulong sa ating mga kababayan.

Patuloy na binabaybay ng ating grupo sa PCUP ang mga lugar kung saan marami ang higit na nangangailangan ng tulong.

Tanong: Sir Alvin, inaabangan namin ang caravan ninyo sa Bgy. Baesa dahil nakikita namin na marami kayong ibinibigay na libreng serbisyo na makatutulong sa amin. Tanong ko lang, ngayong buwan, kasama kaya kami sa PCUP Caravan? Maraming salamat at more power!

Sagot

Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong antisipasyon at pagsuporta sa caravan, lalo na sa Bgy. Baesa. Ikinalulungkot namin na hindi pa kasama sa ngayon ang inyong lugar sa mga naka-schedule na caravan ngunit, makatitiyak tayo na ikokonsidera ang inyong barangay sa mga susunod. Pakiantabayanan sa ating official Facebook page na fb.com/pcupPH o sa website ng PCUP ang announcement ng schedule nito.

Ngayong Abril, bibisita ang caravan sa limang lugar. Sa Abril 2, nasa AFAB, Mariveles, Bataan tayo. Sa Abril 12, nasa Lupang Arenda, Taytay naman tayo. Sa Abril 24, abangan kami sa Bgy. Hulong Duhat, Malabon. Sa Abril 26, nasa Tangub City, Misamis Occidental tayo at sa Abril 29, nasa Hinigaran, Negros Occidental tayo.

Para sa inyong kaalaman, nagsagawa ng PCUP Caravan noong Marso 29 sa Mati City. Marami sa ating kababayan ang nabigyan ng libreng serbisyo mula sa gobyerno, ka-partner nating mga NGO at private company. Nakapagbigay tayo ng libreng medical, dental at eye check-up, tuli sa mga bata, salamin sa mata, mga gamot, foot at body massage, job fair at marami pang iba na inihatid sa atin ng bawat ahensiya na nakilahok sa PCUP Caravan.

Kung susumahin, mahigit 12,000 katao na sa buong bansa ang natulungan ng PCUP Caravan at patuloy pa rin ang pagbibigay natin ng libreng serbisyo sa masang Pilipino. Para sa mga kumpanya at NGO na nais makatulong at makilahok sa PCUP Caravan, maaari tayong sumulat o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com para makasama namin kayo sa pag-abot ng direktang serbisyo sa mga maralita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page