Gustong mag-abroad | MOMMY LUMAKLAK NG CYTOTEC, HULI

MUNTIK nang malagay sa alanganin ang buhay ng 35-anyos na ginang nang uminom ng cytotec at duguin para malaglag ang may siyam na linggong sanggol na nasa sinapupunan, kamakalawa ng gabi Sta. Ana Hospital, Manila.
Kinilala ang suspek na si ‘Jobelyn’, ng Pandacan, Manila. Batay sa ulat ni PCM/Sgt. Donald Panaligan, ng Manila Police District - Homicide Section, nagawa umano ng suspek na ilaglag ang sanggol dahil magiging balakid umano ito sa kanyang pag-a-abroad.
Una rito, uminom umano ng ilang tableta ng cytotec ang biktima at dinugo kaya nagpadala ito sa kanyang kaibigan sa nabanggit na ospital.
Agad niraspa ni Dra. Ginel Soliman ang suspek at nakuha ang fetus.
Hinihintay pa ng MPD-HS ang affidavit mula kay Dra. Soliman upang gamiting ebidensiya sa suspek sa kasong induced abortion na isasampa laban sa ginang.





Comments