top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Feeling bullied dahil sa katabaan

ROMA AMOR
Apr 1, 2019
2 min read

Dear Roma,

Ako si Lara, 24 years old. Wala akong kaibigan at pa­lagi akong binu-bully ng mga kamag-aral ko dahil sa pa­giging mataba. Isa ako sa mga nakatatanggap ng label na “pangit.” Kahit na subu­kan kong makipagkaibigan sa kanila, nilalayuan nila ako at minsan pa ay pinagtata­wa­nan at kahit na may nagsasabi sa akin na maganda naman ako, hindi na tuloy ako na­niniwala at maging ang sarili ko ay pinagdududahan ko na. Ano ang dapat kong gawin para pumayat at gumanda ako? — Lara

Lara,

Mahirap talagang i-please ang society, pero alam mo, girl, hindi mo rin siguro gu­gustu­hing magkaroon ng mga pe­keng kaibigan, ‘di ba? Kung hindi ka nila kayang tangga­pin kung sino at ano ka, hayaan mo sila. Magpakatotoo ka lang at gawin mo ang mga bagay na alam mong tama nang walang tinatapakang sinuman. Huwag kang magpadala sa anu­mang iniisip sa iyo ng iba dahil higit sa lahat, mas kilala mo ang iyong sarili. Huwag mong pag­dudahan ang sarili mo, bagkus, mahalin mo ito. Ang pagkain ng gulay at tamang diyeta ang tu­tulong sa iyo para pumayat at gumanda, pero sa totoo lang, hindi mo kailangang maging maganda para tanggapin ka ng iba. Kapag natutunan mong tanggapin at pahalagahan ang sarili mo, ru’n ka makararam­dam ng acceptance ng society. Sa mundong puno ng mga mapanghusga, makahahanap ka rin ng mga taong magiging kaibigan mo at tatanggap sa iyo nang buumbuo. Huwag kang su­muko sa paggawa ng kabu­tihan sa kapwa mo. Ngunit, tan­daan mo rin na ang mundo ay puno ng mga pandaraya kaya mag­pakatalino ka sa mga ta­ong ka­kaibiganin mo dahil mara­ming mukha ang maaaring itago sa loob ng isang maskara. Kaya mo ‘yan, girl! Magpaka­tatag ka lang! God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page