Empleyado huli sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Apr 1, 2019
- 1 min read
CAGAYAN—Isang empleyadong drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tanza, Gonzaga sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Bob Ballad, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Ballad na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments