DAVAO OCCIDENTAL, PASOK NA SA C’SHIP ROUND NG MPBL DATU CUP


NAHIRAPAN pa ang Davao Occidental bago naabot ang championship round ng MPBL Datu Cup south division nang ganap na maisahan ang Bacoor, 87-67 habang ang Batangas City ay nalagay pa sa isang rubber match makaraang kaldagin ang Zamboanga, 67-57 noong Sabado ng hatinggabi sa Batangas City Coliseum.
Isang malaking laro ang pinakawalan ni Joseph Terso at nagbagsak ng apat na dos tungo sa pagtatapos ng 14 na puntos habang si Mark Yee ay nagpatuloy sa kanyang MVP-type games sa bisa ng double-double performance para magpatuloy ang bangis ng tropa at makasampa sa championship round ng torneo ni Manny Pacquiao kung saan si dating MVP Kenneth Duremdes ang commissioner.
Nakagawa si Eman Calo ng 14 puntos habang si Leo Najorda ay nakabawi sa
ipinosteng double-double performance sa ibinakas na 132 puntos at apat na steals. Nakapag-ambag si Yee ng double-double effort na 12 puntos at 11 rebounds, dumagdag ng 4 shot blocks upang mapatatag pa ang Cocolife-Tigers na kumumpleto ng two-game sweep laban sa Strikers. Naghihintay ngayon ang Davao Occidental sa sinumang magwawagi sa pagitan ng Batangas City-Zamboanga series, na pinalawig pa ng Athletics ang malaking panalo sa sariling balwarte.Samantala, nagkaroon ng kaguluhan sa iskedyul ng laro ng team ng Batangas.
Ayon kay Assistant team manager Jean Alabanza na may unang iskedyul na
ipinadala sa kanila ang MPBL noong Marso 26 at sinasabing ang Game 3 ng do-or-die match sa north division ay idaraos ng Lunes sa Bataan gayundin ang Game 3 ng south division. (MC)





Comments