top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Buking sa LRT | SAN BEDA STUDENT, KULONG SA DROGA

  • Mylene Alfonso
  • Apr 1, 2019
  • 1 min read

INARESTO ng mga guwardiya ng Light Rail­way Transit-2 ang 21-an­yos na graduating student ng San Beda Col­lege (SBC) makaraang mahulihan ng marijuana sa kanyang bag, kamakalawa ng gabi sa Legarda Station, Sampaloc, Manila.

Nasa kustodiya ng Ma­nila Police District-Station 4, ang suspek na si Kenny Fran­cis Pelipel, 21, estud­yante ng San Beda Univer­sity ng Cainta, Rizal.

Ayon kay Police Capt. Edwin Fuggan, alas-6:00 ng gabi nang makita sa bag ng suspek ang lalagyan ng hair wax na naglaman ng mga dahon ng umano’y mari­juana nang dumaan sa ins­peksiyon papasok sa south entrance ng LRT Legarda Station.

Hindi umano idinaan ng suspek ang kanyang bag sa x-ray machine dahilan para maghinala ang mga security guard na si Eugene Abalon ng Legarda Station ng LRT Line-2 at itinawag sina PCpl. Rowelio Antolin at PCpl. Mark Paul Galut ng UBA PCP.

Nang kapkapan ang suspek, hindi nito pinadaan sa x-ray ang laman ng kan­yang wallet at nang busisiin, dito nakita ang da­lawang glass tube na may pinatu­yong dahon.

Kasama umano ng sus­pek ang kanyang kasintahan at maraming dalang bag at ang mga bag na hindi niya idinaan sa x-ray ay tiningnan nila ang laman.

Bukod kay Pelipel, may apat na estudyante na rin ang nakumpiskahan ng mari­juana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page