BOMALABS NA SA LAST 6 GAME NG LAKERS SI LEBRON JAMES


WALA nang LeBron James ang sisipot sa huling anim na laro ng koponan ngayong season sa Los Angeles Lakers.
Ayon kay Lakers president Magic Johnson at general manager Rob Pelinka, wala naman daw ibang dahilan kundi ang makapagpagaling ng kanyang injury sa singit si LeBron na nananakit pa rin mula nang matamo niya ito noong maglaro ng nakaraang Pasko.
Nagtapos ang Los Angeles Superstar na si James ngayong regular season na may average na 27.4 points, 8.5 rebounds at 8.3 assists sa may kabuuang 55 laro.
Hindi naman nakapasok sa postseason ang Lakers sa ikaanim namang sunod na pagkakataon kaya naman naputol din ang personal streak ni LeBron na 13 dikit na playoff appearances at walong sunod sa NBA Finals.
Sa kasalukuyan ay mayroong 34-42 win-loss card ang Lakers, na nasa ika-11 puwesto sa Western Conference. Samantala, patuloy ang pagkapit ng Miami Heat sa 8th place, habang si Dwyane Wade naman ay hinarana ng fans sa Madison Square Garden.
Mistulang madrama ang farewell game ni Wade laban sa New York Knicks na idinaos sa Madison Square Garden.
Magreretiro si Wade sa pagtatapos ngayong season kaya hinarana siya ng fans at paulit ulit na isinisigaw ang “D-Wade! D-Wade!”
Nag-throwback speech pa si Wade sa una niyang paglalaro sa sikat na venue noong nasa college pa siya. Isang standing ovation ang ibinigay ng fans sa kanya pagpasok niya sa first quarter kasabay ng video tribute sa kanya.
May 16 puntos na nagawa si Wade upang tulungan ang Heat na manalo laban sa nangungulelat na Knicks, 100-92.Nanguna sa opensa ng Miami si Dion Waiters na nagsubi ng 28 puntos. (MC/ATD)





Comments