Binibigyan ng pera at pagkain | 7 YRS. OLD SEX SLAVE NG KATRABAHO NI TATAY


APAT na beses umanong ginahasa ang 7-anyos na babae ng kinupkop na katrabaho ng kanyang ama sa Maynila.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, napansin ng mga magulang ng biktima na kakaiba ang mga ikinikilos ng kanilang anak noong Miyerkules ng gabi, hanggang sa matuklasan na ginahasa pala ito sa sarili nilang pamamahay.
Kinilala ang suspek na si Romeo Quirim, ang tinukoy na ‘Kuya JP’ ng biktima, katrabaho ng kanyang ama at nakikituloy sa kanilang bahay.
Itinuring ng mga magulang ng biktima na parang kapamilya si Quirim at ito raw minsan ang nagbabantay sa kanilang dalawang anak.
Na-pattern umano ng suspek ang uwi ng mga magulang ng bata na pagkakataon nito para makasalisi.
Bukod sa pananakot, binibigyan din umano ng suspek ng pera at pagkain ang bata para hindi magsumbong. Tinatakot din umano ito na ipakakagat sa ipis.
Samantala, naaresto nitong Sabado si Quirim sa construction site kung saan ito nagtatrabaho.
Inamin naman ng suspek na apat na beses niyang ginahasa ang bata.
Lasing umano siya at nakagamit din ng droga. (BRT)





Comments