Aktres, jackpot, may serye na, may movie pa… KIRAY AT POLO, BAGONG LOVE TEAM!
- BULGAR

- Apr 1, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

ANG ganda ng takbo ng career ni Kiray Celis dahil bukod sa rom-com series ng GMA-7 na Love You Two na tampok sina Gabby Concepcion, Shaira Diaz at Jennylyn Mercado kung saan best friend ni Jen ang role ni Kiray, may pelikula pa siya.
Sina Kiray at Polo Ravales ang mga bida at magka-love team sa pelikulang Portait of My Love. Sa direction ni Apo Manansala at produced ng RJ 7 Films, kasama rin sa cast sina Jeffrey Quizon at Jeffrey Santos.
May comment lang ang nakapanood ng trailer. Parang buong movie na raw ang ipinakita at pati highlight ay ipinakita na. Parang launching movie na naman ito ni Kiray, siya ang bida at ang billing nga, pangalan niya ang huli at may “and” bago ang name niya.





Comments