Abril na, buwan na ng 'sunog-baga', he-he-he!

ABRIL na.
Tapos na ang “Buwan ng Sunog”.
Dahil eleksiyon, ang Abril ay buwan ng “sunog- baga”.
Marami kasing libreng toma ngayon!
◘◘◘
SOBRANG alinsangan.
Kaawa-awa ang mga walang pambili ng aircon!
◘◘◘
BAKIT ayaw kasuhan ang mga pulitikong drug suspect?
Baka raw kasi maabsuwelto?
Ngek!
◘◘◘
BABAWASAN daw ang paggamit ng plastik.
Kung gayun, maraming opisyales ng gobyerno ang matatanggal!
◘◘◘
LILINISIN ang mga ilog at estero.
Nagpantasya na naman sila!
◘◘◘
PINAPAKYAW ng mga Tsino ang mga condo unit sa Metro Manila.
Nasakop na tayo ng mga Tsekwa!
◘◘◘
BILYUN-BILYONG piso ang nasira dahil sa tagtuyot.
Mamili kayo — tagbaha o tagtuyot?
◘◘◘
DUMARAMI rin ang nakakagat ng aso.
Ingat tayo sa infected!
◘◘◘
DUMARAMI rin ang namamatay sa tigdas.
Nagpanik kasi kayo sa vaccines, eh!
◘◘◘
NAGSIMULA nang magbakasyon ang mga estudyante.
Lugi na ulit ang mga tsuper ng dyip at traysikel!
◘◘◘
NAGREREKLAMO na ang mga Bumbay.
Marami na ang hindi nakababayad!





Comments