PLANETA O PLASTIC? TEMA NG GEOGRAPHIC EARTH DAY RUN

Photo : racexasia
PUMILI sa Planeta o Plastik? Iyan ang tema ngayong taon sa ika-10 edisyon ng National Geographic Earth Day Run, ang pinakamalaking fun run para sa Inang Kalikasan sa Abril 14 sa SM Mall of Asia.
Inaasahang mahigit 15,000 na mananakbo sa 21k, 10k, 5k at 3k ang lalahok sa karera na nais magbigay kaalaman ng mga paraan upang mabawasan o mawala ang mga plastic na karaniwan ay isang beses lang ginagamit at itinatapon agad.
Dahil dito hinihikayat ang lahat na magdala ng sariling lalagyan ng inumin at manumpa na bawasan ang paggamit nila ng plastik.
Isang bago sa taong ito ang pagkakaroon ng 500 metrong patakbo kasama ang mga alagang aso. Maliban sa laman ng race kit para sa tao, mayroong tali at damit para sa aso. Maari nang magpalista sa mga tinayong estante sa loob ng SM Aura, SM Mall of Asia, SM Southmall at SM North EDSA. Mayroon ding registration sa www.natgeoearth dayrun.com.
Lahat ng sasali ay bibigyan ng singlet, numero, belt bag at lalagyan ng inumin na puwedeng gamitin muli. Ang mga magtatapos ng 21k at 10k ay tatanggap din ng medalya at may dagdag na t-shirt pagtawid sa finish line para sa 21-k. Ang malilikom na pondo sa NatGeo Run 2019 ay mapupunta sa Cora Foundation na tinayo ng aktres na si Antoinette Taus. Sa loob ng 10 taon, marami ng proyekto sa buong Pilipinas ang napondohan ng patakbo tulad ng pagbigay ng bangka sa mangingisda, pagtanim ng puno at pailaw sa mga liblib na pamayanan.





Comments