PHILRACOM CHARITY RACE NGAYON SA SANTA ANA PARK
- Green Lantern
- Mar 31, 2019
- 2 min read

KAPANA-PANABIK ang matutunghayan ng Bayang Karerista sa bawat karerang bibitawan kasabay ng pagtahak ng Philracom-PRCI Charity Races sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong hapon.
Sa simula ng 1St Pick 6 event, maghaharap ang pitong kalahok sa Condition Race Merged (9) sa Race 1 at pinapaboran ang Eugene Onegin at Shoo In. Pinapaboran ang Mabalor sa Race 2 na simula ng 1St Winner Take All (WTA) na posibleng makalaban ang couple entry na Gunga Din at Maincore Sunspots.
Ipinapatok ang Couple Entry na Iikot Lang at Barayong na simula ng 1St Pick 5 habang makakalaban ang couple entry na Inter-State, Barumbado at Mount Dulang Dulang.
Magsisimula ang 2nd Pick 6 sa Race 4 sa paghataw ng Philracom Charity Race para sa Association of Philippine Journalists Samahan ng Plaridel Foundation, Inc. at pinapaboran ang mga kalahok na Love Affair, Prime Power, Peter’s Pride, Del Monte, at Bull Star Rising. Isa pang Philracom Charity Race ang magaganap sa Race 5 na umpisa ng 2nd Pick 5, na paglalabanan ng 10 mananakbo at pinapaboran ang Gentleman Jim at magka-couple entry na King Jeff at Hidden Eagle.
Binibigyan ng malaking panalo ang Primadonna habang posibleng tumalo ang Umbrella Girl, Hello Boss at Nobody But You sa Race 6 kasabay ng 2nd WTA. Magkakarambola sa Race 7 kasabay ng 3rd Pick 6 ang mga kalahok na Sir Jeboy, Tejeros, Fussion Drive at couple entry na Cannon Ball at Richard at couple entry na Grey Area at Bean.
Pinapaboran ang kalahok na couple entry na Summer Style at Dalagang Bukid at Oak Hill sa Race 8, habang ang Sweet Dreams, Go Marty Go at Manila Boy ang panguha sa Race 9. Pahihirapan naman ng Golden Valve ang mga kalahok na Lady Pio Constitution, Tabing Ilog, Manila Bay at Wild Track sa Race 10 at paglalabanan naman ng Peypaluc at couple entry na may Swerte Ako at Daldalero ang Race 11.
Magsisilbing paratingan sa WTA Pick 6 at Pick 5 ang Fight For Love at Couple entry na Nabighani, Kid Tayabas, Ashea Will at Stark sa Race 12. Tip ni Mang Ding Race 1-Eugene Onegin (1) Shoo In (2) Race 2- Mabalor (4) Entry No.5: Race 3-Entry No. 4 Entry No.5: Race 4- Bull Star Rising (6) Del Monte (5): Race 5- Gentleman Jim (8) Entry No.1: Race 6- Primadonna (7) Ziqqy (8) Race 7- Entry No.2 Tejeros (4) Entry No.3: Race 8- Oak Hill (12) Entry No.1: Race 9- Sweet Dreams (1) Go Marty Go (3) Manila Boy (7) Race 10- Lady Pio (2) Constitution (3) Golden Velvet (1) Race 11- Peypaluc (3) Entry No.6: Race 12- Stark (10) Ashea’s Will (3) Entry No.5





Comments