top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PAGUNSAN, KAMPEON SA PGTA-ICTSI RIVIERA GOLF

Clyde Mariano
Mar 31, 2019
1 min read

MATAPOS ang kan­yang kampanya sa Japan, umuwi si Juvic Pagunsan para ipagpatuloy ang pa­ngarap at magtagumpay kung kaya inangkin ng 40-anyos na taga-Davao ang PGTA-ICTSI Riviera Golf Challenge crown at ibinulsa ang $17,500 prem­yo sa kabuuang $100,­000.

Pumalo si Pagun­san sa huling round 79 at lumikom ng 278 upang kunin ang titulo na bigong maipag­tanggol ni Jobim Carlos at pinigil ang ambisyon ng mga banyagang golfers na galing sa 14 na mga bansa na kunin ang karangalan sa Pinoy.

“Masaya ako sa panalo ko,” sabi ni Pagunsan sa kanyang panalo sa taong ito at pa­ngalawa matapos mapagwa­gian ang torneo na ginawa sa Marapara sa Bacolod City sa Negros Occidental.

Pumangalawa si Angelo Que na humataw ng 73 na may kabuuang 285 at may second prize na $11,500 habang kinuha ni Jerson Balasabas ang third prize na $7,000 sa kabuuang $100,­000.

Dinomina ni Pagunsan ang apat na araw na torneo na nilahukan ng may 115 golfers mula sa 15 mga bansa kasama ang ‘Pinas na nila­hukan ng mahigit 50 manla­laro na inorganisa ng Philippine Golf Tour-Asia sanctioned ng National Golf Association of the Philippines.

“Ang panalo kong ito ay malaking puhu­nan ko sa pagsali ko sa $500,000 Philippine Open bago ako bumalik sa Japan at sasali ako sa mahigit 20 pang torneo,” masayang sabi ni Pagunsan kasama ang asawa at dalawang anak.

Si Lexus Keoning ng U.S. ang itinanghal na best player sa mga banyaga na umiskor ng 298 kasosyo si Elmer Salvador at tumanggap ng tig-$6,000.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page