Motor sumemplang, nagulungan | JAPANESE, PISAK SA BUS
- Janice Baricuatro
- Mar 31, 2019
- 1 min read

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang foreigner matapos sumemplang ang motorsiklo sa Silang, Cavite, kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Hosei Tomita y Kakinoki, 60, executive assistant manager at Japanese national.
Naganap ang insidente sa Tagaytay-Sta. Rosa Road, Bgy. Tartaria, Silang, Cavite, alas-12:30 ng tanghali.
Minamaneho ng suspek na si Peter Lariba, 55, ang Kersteen Bus na may plakang NAT 8053 nang hindi mapansin ang nakahandusay na biktima nang sumemplang ito na naging dahilan para magulungan ng bus ang kanyang ulo kaya agad itong namatay.





Comments