Mag-amang tulak, timbog
- V. Reyes
- Mar 31, 2019
- 1 min read

KALABOSO ang mag-ama na umano’y tandem sa pagbebenta ng iligal na droga sa Quezon City, Sabado ng umaga.
Huli sa entrapment operation ng Quezon City Police District Station 7 sina Jorge Simbulan, 52, at Jorge Michael Simbulan, 30.
Nahuli ang dalawa sa loob mismo ng kanilang apartment sa Bgy. Pinyahan, Diliman, ala-1:50 ng madaling-araw.
Nasamsam mula sa mga suspek ang tinatayang 81 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang mahigit P500,000.
Nakumpiska rin ang digital weighing scale, marked money na P1,000 at P500 at dalawang cellphone.





Comments