Lalo na ngayong kasasahod lang ninyo, mga besh! 5 TIPS PARA HINDI PABAGU-BAGO ANG ISIP SA PAGBILI NG
- Hiraya
- Mar 31, 2019
- 2 min read

ADD to cart sabay biglang checkout, kung minsan pa, eh, mapapadaan sa mall, pero paglabas mo, may dala ka ng shopping bag na punumpuno ng mga bagay na hindi mo naman kailangan. Ooops… sinong guilty? Ha-ha-ha!
For sure, marami sa atin ang nahihirapang kontrolin ang sarili sa pagbili ng mga bagay kung saan ang ending ay hindi naman napakikinabangan. Kaya mga besh, narito ang 5 tips para hindi manghinayang sa pagbili ng mga gamit:
1. EVALUATE. Oo, besh! Hindi puwedeng bili ka lang nang bili o ‘yung tinatawag na panic- buying dahil sa ganitong paraan, malaki ang tsansa na pagsisihan mo ang pagbili ng mga gamit. Bago tuluyang bumili, inirerekomenda natin ang pag-e-evaluate sa pamamagitan ng paglalaan ng dalawa hanggang tatlong linggo para pag-isipan kung dapat bilhin o hindi ang partikular na bagay. Paglipas ng nasabing panahon, tanungin ang iyong sarili kung gusto mo pa ang bagay na ‘yun at kung ‘oo’ ang iyong sagot, go na, sis!
2. SET STANDARDS. Hindi porke may gusto kang bagay, magse-settle ka na ru’n. For sure, may mga bagay tayong nagugustuhan na hindi pasok sa budget natin. Bagama’t, hindi maitatangging maganda ang quality ng mamahaling kagamitan, may iba ring medyo waley pagdating dito. Kaya besh, kasabay ng pag-e-evaluate mo, mabuting ikonsidera ang paghahanap ng opsiyon na pasok sa iyong budget, gayundin na may magandang kalidad. Tiyagaan lang sa paghahanap, besh!
3. MANAGE WANTS AND NEEDS. Aminin man natin o hindi, rito nahihirapan ang karamihan dahil hirap silang alamin ang kanilang mga gusto at kailangan. Mahalagang malaman ang mga bagay na kailangan at gusto nang sa gayun ay ma-prioritize mo ang mga bagay na dapat mong bilhin.
4. SET A BUDGET. Hindi porke nakapag-evaluate ka na, bibilhin mo kaagad kahit hindi ito kasama sa budget mo. Beshy, hindi masamang bumili ng mga bagay na gusto mo, pero bago ka tuluyang bumili, mabuting maglaan ka ng budget para rito. Sa ganitong paraan, hindi mo masasabi ang mga salitang “sana, ipinambili ko na lang ng iba ‘yung ipinambili ko nito”. Copy?
5. DON’T PURCHASE TO BRAG. May kakilala ka ba na bili nang bili para lang may maipagyabang? Hmmm… kung meron, besh, ‘wag mong gayahin ‘yun dahil kung goal mo ang magyabang at hindi para bilhin ang bagay na talagang gusto at kailangan mo, malaki ang tsansa na pagsisihan mo ang pagbili sa partikular na bagay.
Dehins na kayo manghihinayang sa pagbili ng mga gamit dahil sa tips na ito. Sana, nakatulong ang mga ito nang sa gayun ay maging disiplinado kayo kahit patuloy ninyong nabibili ang mga bagay na gusto at kailangan ninyo. Oks ba ‘yun? He-he-he!





Comments