Bukod sa mga artista | BASKETBALL PLAYERS, SHOOT SA DRUG LIST
- Lourdes Abenales
- Mar 31, 2019
- 1 min read

NILINAW na hindi lamang para sa mga nasa showbiz ang pagtukoy sa mga sangkot sa iligal na droga kundi sa lahat sa celebrities o public personalities tulad ng mga atleta.
“Take note that the term celebrities refer to not only showbiz people but also basketball players and other public figures,” ani Senate President Vicente Sotto III.
Samantala, inihirit din sa mga TV at movie producer na huwag bigyan ng proyekto ang mga artistang sangkot sa iligal na droga.
Ani Sotto, layon nitong mahinto ang mga artista sa paggamit ng droga at para matulungan silang magpa-rehab. Kung asset umano ng isang network ang artistang sangkot sa droga, tulungan silang mahiwalay sa pagkakadawit sa drugs.
Pabor din ang senador sa pagpapalabas sa publiko ng mga pangalan ng mga artistang may kinalaman sa droga. Iminungkahi rin nito na magsagawa ng mandatory at surprise drug testing sa mga artista.





Comments