2019 BNTV CUP CHAMPIONSHIP NATIONAL BULLSTAG SA BIG DOME
- BULGAR

- Mar 31, 2019
- 1 min read

Photo : Facebook (2019 BNTV Cup 5-Stag National Bullstag Derby)
MATAPOS ang siyam na magkakaibang eliminations sa iba’t ibang panig ng Luzon, ang pinakahihintay na championship ng 2019 BNTV Cup 5-Stag National Bullstag Derby ay sisiklab sa Smart Araneta Coliseum sa Martes, Abril 2 na lalahukan ng 83 2-pointers at 30 entries na tig-isang panalo at draw.
Nakalinya sa marathon event ang mahigit 170 matches na magbibigay sa derby fans ng pinakamagaling at magandang cockfighting action kung saan ang tinaleng magkaka-edad ang magsasagupa sa larangan ng speed, power at accuracy.
May garantisadong cash prize na P1-M ang nakataya at karangalang matatawag na BNTV Cup Bullstag King.
Ang pagsusumite ng timbang at wingband numbers ay nakatakda bukas (Lunes) na may weigh limits na nakatakda sa 1.800 hanggang 2.200 kgs.
Tinatanggap na panabong ay iyong may nalagyan ng band noong isang taon sa 2018 BNTV Cup, early birds, at naging local at national banded bullstags (MC)





Comments